Friday, June 25, 2010

Enchong Dee Apprenhensive about his launching movie with Erich Gonzales: "It's a risk."


Pakiramdam ng young actor na si Enchong Dee, laking suwerte niya na makasama sa cast ng Magkaribal, ang newest fashion-teleserye ng ABS-CBN na tinatampukan din nina Bea Alonzo, Derek Ramsay, Erich Gonzales, at Gretchen Barretto na magsisimula nang “rumampa” sa June 28 sa Primetime Bida.

Siyempre, may sariling time to shine sa istorya ng newest Kapamilya show na ito ang patuloy na bini-buildup na love team nina Enchong at Erich, na parehong kasali sa listahan ng YES! 100 Most Beautiful Stars this year.

Unang sumikat sa young generation of fans ang Enchong-Erich love team nang tangkilikin nang husto ng televiewers ang Katorse. Muling pinagsama sa teleseryeng Tanging Yaman, na isa pa ring hit sa masa. Napanood din siila sa indie film na Paano Ko Sasabihin? ng Cinema One Originals 2009, kung saan gumanap bilang pipi si Enchong.

No comments:

Post a Comment