Sa lahat ng mga stars ng ABS-CBN, siguro si Erich Gonzales na ang isa sa pinaka-“kawawa” dahil sa kakulangan ng kumpiyansa ng Kapamilya Network sa kanya. Minsan, napapaisip din ako kung paano natagal ni Erich ang kanyang pinagdaanan, ngunit ngayon, napatunayan niyang it was all worth it.
Matatandaang nanalo si Erich nang Star Circle National Teen Quest noong 2004, at kahit na masasabing ginamit din naman siya sa mga programa ng Kapamilya, wiz siya naging center of grabe-tation hangga’t nailagay siya sa “Katorse”, na lumabas noong 2009, limang buong taon matapos ang kanyang pagkapanalo sa SCNTQ.
Wiz naman maokray ang talento ng bata, ngunit nakakapagtaketch din kung bakit hindi siya agad na-launch bilang top star ng network. Magaling siya at kayang-kaya niyang maging bida o kontrabida. Una siya talagang napansin bilang magaling na artista sa pagtampok sa kanya bilang Camille Soriano sa “Sana Maulit Muli” noong 2007, na pinagtampukan nina Kimerald, isang tambalang nanalo ng “PBB Teen Edition” at naungusan pa si Erich sa pagkakaroon ng lead star billing, samantalang nangyari ang unang PBB Teen Edition noong 2006, dalawang taon matapos manalo si Erich sa SCNTQ.
Ngunit habang tumatagal, at habang dumadami ang mga roles na nagagampanan ni Erich, unti-unting napansin ang kanyang likas na galing sa pag-arte, at sa pagpasok ng 2009, sa kanyang pagganap bilang lead star sa “Katorse” masasabi nang Erich Gonzales has arrived. Aba’y dapat lang, at may dating naman talaga ang batang itetch, na hindi pumalag at hindi umangal kahit na halos apat na taon din ang nagdaan bago siya tuluyang nabigyan ng malaking break ng kanyang network.
Kung may nakakaalala pa sa kanya, siguro si Em-Em Mabanglo (Mula sa “Annaluna”, kung saan gumanap siya bilang si Macy) na ang naging pinakamagaling na batang kontrabida sa huling dalawang dekada, maliban na lang siguro kay Gladys Reyes. Sa aking panonood kay Erich, siya na siguro ang maaaring sumunod sa yapak ni Em-Em, although kaya din niyang gumanap na bida, at kaya din niyang magpaseksi kung kinakailangan. Lahat na yata nang kailangan ng isang ganap na dramatic superstar, nandito na kay Erich. Hindi ako magugulat kung dalawa o tatlong taon mula ngayon, manalo na rin siya ng acting awards mula sa FAMAS o Gawad Urian.
And in fairness, hindi kailangan ni Erich magkaroon ng ka-loveteam para mapansin, although hindi din naman siguro ako aangal kung ako ang ka-loveteam ni Enchong Dee. Maganda ang chemistry nila, ngunit, subalit, datapwat, kahit sino pa ang i-pares kay Erich, masasabi ko na sigurong kayang-kaya niyang dalhin ang kanyang katambal. Huwag naman nating kalimutan na hindi siya nanalo ng Star Circle National Teen Quest ng tsamba lang, at talagang noong umpisa pa lang, nakitaan na si Erich ng malaking potensyal ng ABS-CBN, at ngayon, ipinapakita naman ni Erich na hindi sila nagkamali sa kanilang pagtitiwala sa kanya ngayon.
Pinag-uusapan din ngayon na malapit na silang dalawa ni Enchong Dee na magkaroon ng launching movie bilang loveteam, na pinamagatang “I Do.” Sa tagal ng paghihintay ni Erich sa mga biyayang natatanggap niya ngayon, masasabi kong deserving siya, although gusto ko rin siya mapanood sa komedya, dahil doon na lang siya hindi pa nasusubukan bilang isang artista.
Erich Gonzales, sa iyong matagal na pinagdaanan bago mo narating ang kinalalagyan mo ngayon, huwag na huwag mong kakalimutan na kung may tiyaga, may magic kamison.
No comments:
Post a Comment